top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA SA LARANGAN NG CAREER AT LOVE LIFE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Ngayon ay kasalu­ku­yan akong nagtatrabaho sa Accounting firm dito sa Ortigas.

Wala pa akong boy­friend dahil iniiwasan ko munang magkaroon ng seryosong relasyon hang­ga’t hindi ko pa napag­tatapos sa kolehiyo ‘yung kapatid kong bunso na fourth year college na ngayon.

Dahil malapit na si­yang gumradweyt, medyo handa na rin ako sa se­rious commitment.

Kaya lang ang proble­ma, ma­dalang na ang mga lala­king nanliligaw sa akin ng seryoso nga­yon, hindi tulad dati na ma­rami talaga akong manliligaw.

Makapag-aasawa pa kaya ako at sinu-sino ang mga lalaking ka-compa­tible ko na dapat kong ma­pangasawa upang mag­karoon din ako ng ma­saya at panghabambuhay na pamilya?

Pangarap ko ring ma­kapag-abroad, may tsan­sa kaya na makapag-ab­road ako kung sakaling maisipan kong mag-apply sa ibang bansa?

Gusto ko ring mala­man kung ano ang aking mapalad na petsa, araw at buwan? August 5, 1984 ang birthday ko.

Umaasa,

Eva ng Cainta, Rizal

Dear Eva,

Ang birth date mong 5 ay nagsasabing, dalawang bagay ang posibleng mang­yari sa iyong kapalaran. Una, ang makapag-asawa ka ng mayaman hanggang sa tu­luyan ka na ring yu­ma­man.

Pangalawa, ang ma­kapag-abroad ka at sa ibang bansa ay kikita ka ng malaking halaga hanggang sa tuluyan ka nang mani­ra­han at maging immigrant doon.

Kaya kung ngayon ay may nanliligaw sa iyong lalaking mayaman o may kaya sa buhay, kahit na hin­di mo siya gaanong gusto, partikular kung ang lala­king ito ay may mga birth date na 3, 21, 30, 7, 16, 25, 5,14,23, 9,18 at 27, tiyak ang magaganap, ang na­banggit na lalaki ang po­sible mong maging boy­friend at sa bandang huli, siya na rin ang makaka­sa­ma mo sa pagbuo ng ma­li­gaya at panghabambuhay na pamilya.

Kung walang ganu’ng lalaking nanliligaw sa iyo ngayon, posibleng ang ma­gaganap sa susunod na taong 2020 o kaya ay sa 2021 ay ang makapangi­bang-bansa ka. Tulad ng na­sabi na, sa ibang bansa ka makasusumpong ng masagana at mabungang hanapbuhay upang sa ban­dang huli, tulad ng naipa­li­wanag na, sa pagyaman pa rin hahantong ang iyong karanasan at maaaring sa Canada o sa ibang bansa ka na rin tuluyang mani­rahan.

Mapalad ka sa mga kulay powder blue, silver, dilaw at pula higit lalo sa mga petsang 5, 14, 23, 3,12,21, 30, 6, 15,24, 9, 18 at 27, partikular sa mga araw ng Martes, Miyerku­les, Huwebes at Biyernes. Kusa namang iigting ang iyong mabuting kapalaran sa mga buwan ng Abril hanggang Mayo at Oktu­bre hanggang Disyembre.

Habang, ayon sa Deca­dens ng Kapalaran, naka­takda na ang magaganap, sa susunod na taong 2020 hanggang 2021, magsi­si­mula ng dumating sa bu­hay mo ang magagandang kapalaran, sa nasabing pa­nahon, sa edad mong 36 pataas, magiging maligaya ka na sa larangan ng career at pag-ibig hanggang sa tu­luyan mo ng matupad ang lahat ng mga layunin at pa­ngarap mo sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page