top of page

Maalinsangan, makapal na ulap, kulog at kidlat... MGA PANINIWALA TUNGKOL SA PAGBUHOS NG ULAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Rusty ng Rusty_Libra_ Man@facebook.com

Dear Señor,

Paano malalaman kung uulan? Agriculture kasi ang business ko nga­yon.

Namimili ako ng palay at ibinebenta ko rin. Ma­ganda ang takbo nito at nawa ay gumanda pa nang gumanda.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Rusty

Sa iyo Rusty,

Ganito ang sabi ni Jesus, kapag may bilog sa buwan, bukas ay uulan. Kapag kulay orange ang langit sa dapit-hapon, bu­kas ay maganda ang pa­nahon. Kitang-kita, ‘di ba, na si Lord Jesus ay fan ng Astrology?

Paulit-ulit din Niyang sinabi na “watch out.” Sabi Niya, tumingin tayo sa la­ngit para masiguro natin ang lagay ng panahon.

Ang tawag sa katuruan ni Jesus ay “natural As­trology” na ang pokus ay ang pagtingin o pag-ob­serba sa kalikasan.

Narito ang ilang ka­alaman para malaman natin kung uulan:

  1. Kapag makapal ang ulap kung saan nangga­galing ang ihip ng hangin, makaaasa ka na uulan.

  2. Kapag ang makapal na ulap na mababa ay iti­nutulak ng hangin papa­layo sa nag-oobserba, hin­di na uulan pa.

  3. Kapag maalinsangan at may makapal na ulap, uulan.

  4. Kapag naglabasan ang mga insekto tulad ng ipis, ibig sabihin, hindi mag­­tatagal ay uulan.

  5. Kapag may kidlat at kulog, bubuhos ang ulan. Ang kulog at kidlat kapag malayo at walang mga ulap, walang magaganap na pag-ulan.

  6. Kapag ang mga ibon ay nakitang nagliliparan papalayo kung saan may makapal na ulap, ibig sa­bihin, uulan nang malakas. Makikita rin ang mga ibon tulad ng mga maya ay humihinto sa pag-awit o paghuni kapag malapit ng umulan.

  7. Ang mga dahon ng halaman ay mapapansin na nabawasan ang pagka­kabukadkad kapag uulan na.

  8. Kapag nahuhulog ang mga dahon, ang ulan na paparating ay sobrang malakas.

  9. Kapag ang mga lang­gam ay naglabasan, malaki ang posibilidad ng pagbaha.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page