Kung last year sa Balesin… JENNYLYN AT DENNIS, MAGKU-'QUICKIE' SA B-DAY NILA


MAGANDANG birthday gift para kay Jennylyn Mercado ang mataas na ratings ng romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two. Magdiriwang ng kaarawan ang Kapuso Ultimate Actress sa May 15 at masaya niya itong ise-celebrate dahil nga sa patuloy na pagdating ng magagandang blessings sa kanya kabilang na ang success ng kanyang cookie business na Chunky Dough.
Halos magkasunod nga ang birthday nila ng boyfriend na si Dennis Trillo (May 12) at baka pag-isahin na lang nila ito dahil heard na nakatakda silang umalis at siyempre ay kasama rin nila ang one and only son ng aktres na si Alex Jazz.
Noon pa naipaalam ni Jen sa management ang bakasyon pero babalik din naman sila agad since hindi nga puwedeng mawala nang matagal ang aktres dahil sa kanyang serye.
Last year ay sa Balesin Island ipinagdiwang ng JenDen ang kanilang kaarawan kasama pa ang pamilya ni Dennis.
In fairness kina Jen at Den, napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon kahit pa nga pareho silang nasa showbiz. As we all can see, bihira silang mag-post sa kani-kanilang social media accounts ng mga larawan nila together at bihira ring magbigayan ng mga sweet messages sa isa’t isa.
Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at marami ang humuhula na baka sa simbahan na talaga ang tuloy nito.





Comments