HOROSCOPE | Mayo 10, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 10, 2019 (Biyernes): Malakas ka at masuwerte, kaya lang ang lakas at suwerte mo ay magagamit ng iba, lalo na kung papayag ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Didikit sa iyo ang taong akala mo ay hindi siya masuwerte, pero ang pagsasanib ninyo ay magbubunga ng magagandang kapalaran.Ito ang mensahe ng araw na ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-20-23-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Napakalakas ng iyong damdamin na nagsasabing, kapag nagmahal ka ay sobra-sobra. Ito ay mapanganib kung saan maaari kang maagrabiyado. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-14-23-37-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang patatangay sa iyong emosyon. Mas magandang kontrolado mo ang sitwasyon at panatilihing nakabukas ang iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-36.
CANCER (June 21- July 22) - Malambot ka ngayon. Wala kang lakas para tuparin ang gusto mo at dahil dito, maaaring uminit nang sobra ang iyong ulo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-31-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mangyayari ang hindi mo gusto, pero sobrang matutuwa, mamamangha at hindi ka makapaniniwala dahil ang biglaang suwerte ay mapasasaiyo mula sa mga magaganap na ayaw na ayaw mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-29-30-31-32-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang araw para sa iyo. Walang magagawa ang mga karibal at kakumpitensiya mo kung hindi ang mamangha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-22-24-28-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang lakas at panahon mo sa mga taong sobrang makulit at mapagpumilit. Sa una lang sila mukhang malakas dahil sa huli ay makikitang wala na silang puwersa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-8-20-21-27-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nag-iipon ng lakas ang mga suwerte mo. Huwag kang mainip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-28-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalaban ka sa taong napakahirap intindihin. Bago tuluyang sumakit ang ulo mo, umiwas ka o kaya ay sumang-ayon ka na lang sa mga sinasabi niya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-18-27-30-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglaan ang paglakas ng iyong suwerte. Kahit ikaw ay magugulat, kaya huwag na huwag mong kaliligtaan na ang suwerte ay dapat mahalin at alagaan nang sa gayun ay hindi masayang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-21-24-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisingit na ang pagbuhos ng ulan ngayong panahon ng tag-araw. Palatandaan ito na ang mga suwerte mo ay namumuo na sa mga ulap na anumang oras ay puwedeng mahulog sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-14-20-23-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakabahan ka, pero hindi mo alam kung bakit. Ito ay dahil nasasagap mo ang naglalakihang suwerte na papalapit nang papalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-29-30-32-38.




Comments