Sundalo, tepok sa ambush
- Pabs Hernandez III
- May 9, 2019
- 1 min read
ISABELA — Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay at isang miyembro ng CAFGU (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin sila ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. San Sebastian, Jones sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima habang hindi pa naipababatid sa kanilang pamilya ang nangyari sa kanila.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng community service ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng mga rebelde sa nasabing barangay.
Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang mga rebeldeng tumambang sa dalawang biktima.





Comments