No to vote-buying!


PALAPIT na nang palapit ang halalan.
Kaya naman puspusang paghahanda ang ginagawa ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta para sa kanilang ikapananalo.
Kaugnay nito, ilang paglabag sa mga itinakdang panuntunan ang patuloy na nilalabag ng mga kandidato.
Kabilang na rito ang pamimili ng boto o vote-buying.
Kaugnay nito, itinatag ng Commission on Elections (Comelec) ang Anti-Vote-Buying Task Force upang mapanagot ang mga lumalabag sa Election Law.
Tututukan ng task force ang mga kaso ng malawakang vote-buying ngayong May 13 Midterm Elections na sinasabing kinasasangkutan ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta.
Samantala, magsisilbing deputy ng Comelec Task Force ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Interior and Local Government (DILG) ka-partner ang Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Dapat managot ang sinumang kandidato na mapatutunayang lumabag!
Bilang responsableng mamamayan, huwag nating ipagbili ang ating boto dahil ito ay ating karapatan na hindi dapat nabibili ninuman.





Comments