top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAGING MAAYOS ANG BUHAY MATAPOS MAKARANAS NG PROBLEMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Ngayon ay pare­hong nasa abroad ang mga magulang ko at malapit na rin akong umalis dahil kaunting papeles na lang ang ku­lang ko.

  2. Masaya sana ako kaya lang may babae na biglang dumating sa buhay ko na nakilala ko sa social media. Ang problema, may asawa siya na nasa abroad.

  3. Pagkatapos, gusto niyang magkita na kami.

  4. Kaya gusto kong malaman, Maestro, kung nakaguhit ba sa mga palad ko ang magkaroon ng relasyon sa babaeng may asawa na?

  5. Gusto ko na siyang kalimutan, kaya lang hindi ko kaya dahil sa tuwing nagtsa-chat kami at nagbi-video call ay marami ng nangya­yari sa amin.

  6. Sa palagay ninyo, ano ang kahihinatnan kung sakaling magkita kami sa personal, hindi kaya ako mapapaha­mak?

  7. Gusto niyang mag­kita kami, pero hindi pa ako handa.

KASAGUTAN

  1. Hindi mo nasabi kung may iba ka pang girl­friend o siya lang talaga ang kasalukuyang kare­lasyon mo.

  2. Gayunman, sa tono ng iyong kuwento ay para ngang siya lang ang ba­ba­eng pinagkakaaba­lahan mo ngayon.

  3. Samantala, anu’t anuman ang katotohanan, masuwerte ka pa rin dahil pinagkalooban ka ng ma­ganda, maayos, tuwid at malinaw na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad. Tanda na makipagkita ka man sa ka-chat mong may asawa na, tiyak ang ma­gaganap, hindi ka ma­papahamak at hindi kayo magkakaroon ng totoha­nang relasyon dahil hindi siya ang nakatakda mong makasama, habambuhay.

Sa halip, tulad ng naipaliwanag na dahil normal at maganda ang Marriage Line (1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa takdang panahong inilaan ng ka­palaran, normal at ma­ganda ring buhay-pag-a­asawa ang sadya at tunay ngang inilaan na sa iyo ng kapalaran.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Jun, wala kang dapat problemahin o ipag-alala dahil sa bandang huli, kahit makipagkita ka sa babaeng may asawa na, kusa ring babalik sa nor­mal ang iyong buhay hang­gang sa makakilala ka ulit ng babaeng dalaga sa so­cial media na may zodiac sign na Gemini kung saan ang babaeng ito na ang iyong tunay na magiging girlfriend hanggang sa tu­luyang mapangasawa na nakatakdang maganap sa taong 2021, sa edad mong 28 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page