Kung si Nadine, 'di kinuha… JAMES, P1 MILYON ISANG GABI LANG SA KAMPANYA!
- BULGAR

- May 9, 2019
- 1 min read

SAMANTALA, sa umpukan ng mga press people kahapon sa Gloria Maris kung saan ginanap ang ipinatawag na presscon ni Edu Manzano, habang naghihintay kaming i-serve ang lunch, napag-usapan nga ang tungkol sa mga celebrities na rumaraket sa mga kampanya.
Nagulat kami sa itsinika ng isang kasamahang editor na P1 milyon daw ang talent fee ni James Reid para sa isang gabing pag-akyat sa entablado ng kampanya ng isang big time politician sa isang lungsod sa Metro Manila.
OMG, ‘di ba?!!! P1 million is P1 million!
Ang ipinagtataka lang namin, bakit kaya ‘di kinuha ang ka-love team niyang si Nadine Lustre sa naturang isang gabi ng kampanya?
A.Dahil ba mas malaki ang TF ni Nadine kesa kay James?
B. Dahil ba nega ang dating ni Nadine sa ilang netizens?
C. Or both?
Well, anu’t anuman, sana ay mag-isip ang mga botante ng naturang lungsod. Kung kayang magbayad ng ganu’n kalaki sa mga artista ng naturang kandidato, saan kaya ito kumuha ng budget, ‘di ba?
Or baka naman babawiin din niya ‘pag nanalo pa siyang muli?
Eh, ‘yun lang!





Comments