HOROSCOPE | Mayo 9, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 9, 2019 (Huwebes): Obligado kang lisanin ang bayan na iyong sinilangan dahil ito ang susi sa katuparan ng iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) Muli kang pinagkalooban ng mayamang imahinasyon. Mahalaga ito sa iyo para magtuluy-tuloy ang iyong pag-aasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-29-30-33-36-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihilahin ka ng iyong sarili na lumabas ng bahay dahil ang matagal na pananatili sa bahay ay nagbababala na hihina ang iyong katawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-14-25-33-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Ikakaila mo ang katotohanan, pero hindi ito ang kasalanan sa pagsisinungaling. Ito ay isang klase ng pagkukubli para sa higit na ikagaganda ng mga pangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-29-30-33-39.
CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong patagalin ang iyong pasya. Madalas, ang pasya ay tama kaya lang naiwanan na ng mga kaganapan kaya nawalan na ng saysay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ka, ‘yun mismo ang iyong ipakita dahil ang mapagkunwari, sa huli ay nagsisisi. Pero, ang nagpapakita ng kung ano siya, mas napagaganda ang kanyang kalagayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-18-20-21-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magduda sa kakayahan mo dahil ang mas mabibigat na hamon ng iyong kapalaran ay iyong napagtagumpayan sa maraming nagdaang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-20-21-27-30-32-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang sa iyo, kunin mo ito, huwag kang pumayag na ang sa iyo ay kunin ng iba. Higit kaninuman, ikaw ang may karapatan kaya mas magandang ipaglaban mo ang iyong paninindigan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-13-20-25-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mong muli ngayon ang alas na baraha. Pero, kailangang ilapag mo ito sa lamesa ng pakikipagsapalaran. Ibig sabihin, itaya mo ang kapalaran at tiyak na ikaw ay mananalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-21-28-30-31-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga nagsisikontra sa iyo, sa huli, ikaw ang makikitang nasa tama at sila ay makikitang kailangang dumikit sa iyo nang sa gayun, sila ay makinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-23-38-42-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka puwedeng umatras, ang mas maganda ay ang umabante ka kahit na sa biglang tingin ay hindi mo kakayanin. Sa huli, lalakas din ang loob mo at ikaw ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-26-36-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi para sa iyo, pero nakuha mo at napasaiyo, nagpasya ang langit na sa iyo na lang ibigay ang nasa kamay mo na. Ito ang hiwaga ng kapag nahawakan mo ay magiging sa iyo na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-27-34-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa mabilisang pagkita na hindi na mamumuhan ng hirap at sikap. Hindi ka dapat mapabilang sa lumulobong hanay ng mga sobrang nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-24-30-33.




Comments