Ganern?! SERYE NI JENNYLYN, MAS GUMANDA NANG IPASOK SI SOLENN


MAGANDA ang pasok ng karakter ni Solenn Heussaff sa Love You Two bilang ex-GF ni Gabby Concepcion (Jake) dahil nakadagdag ito sa ganda ng istorya.
Isang painter si Solenn at maraming bagay silang hindi mapagkasunduan ni Jake, kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Kuwelang-kuwela sa mga televiewers ang role ni Jennylyn Mercado bilang si Raffy Batungbakal na brokenhearted dahil iniwan ng BF na 8 years na nakarelasyon played by Clint Bondad.
Dahil dito, naging man-hater at nawalan siya ng tiwala sa mga lalaki. Mababago ba ito ni Jake at muli siyang iibig?
Maraming millennial ang nakaka-relate sa character ni Raffy na maraming hugot sa buhay-pag-ibig. Idinaan naman niya ito sa comedy dahil rom-com ang Love You Two.





Comments