'Di raw ma-take ang sinungaling na ex-BF… BARBIE KAY JM: SIGURO, KAHIT ONE PERCENT NAMAN, MINAHA
- BULGAR

- May 9, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

GUEST si Barbie Imperial kamakailan sa Tonight with Boy Abunda. Siyempre pa, hindi mawala ang topic hinggil sa umano’y naging boyfriend niyang si JM de Guzman na nakapareha niya sa Araw Gabi.
Nang malaman ng aktres na si JM na ang kanilang pag-uusapan, gustung-gusto na raw mag-walkout ni Barbie, lalo pa at hindi lang pala si JM ang magiging isyu kundi tatlong larawan ng ex ni Barbie ang ipinakita ng host na si Boy Abunda.
Biniro niya ang King of Talk kung may nag-walkout na raw ba sa TWBA.
Binigyan kasi ng challenge si Barbie na “Kiss, Marry and Kill” at ipinakita ang picture nina Ryle Santiago, Paul Salas at JM de Guzman at ipina-identify sa aktres kung sino sa tatlo ang kanyang “Kiss, Marry and Kill.”
Ani Barbie, “May tanong po ako. May nag-walkout na po ba dito? Kasi gusto ko po, parang ako ‘yung maging unang nag-walkout dito.”
Pero sinabi ni Kuya Boy na ipagpatuloy nila ang fun game.
Sagot ng Kapamilya actress, she would just “kill” all the three options.
Sinundan pa ito ng King of Talk ng tanong na, “You had a tweet saying ‘Once a liar, always a liar.’ So ang tanong, diretsa, ‘yun ba ay patungkol kay JM de Guzman? Oo o hindi?”
Mabilis ang sagot ni Barbie ng “Opo.”
Esplika ni Barbie, “Kasi po ‘yung ibang detalye lang, parang hindi ko lang siya na-take na parang siguro, kahit one percent naman, minahal mo naman ako, ‘di ba? Ba’t naman kailangang magsinungaling?”





Comments