Binatang problemado dahil sa nililigawan

Dear Roma,
Ako si Jeremy, 22 years old, nagtatrabaho sa Masbate. May nililigawan akong OJT sa kumpanya namin. Nu’ng time na sinabi ko sa kanya ‘yung nararamdaman ko, sinabi niya sa akin na nasa moving-on process pa lang siya, kaya sinabi ko sa kanya na willing akong maghintay. Hindi nagtagal ay dumating ang puntong pumayag din siya na magpaligaw at kahit na nanliligaw pa lang ako ay nagkakaroon na kami ng iba’t ibang problema dahil short-tempered ako at siya naman, eh, may mga bad side rin. Madalas kaming nagte-text at nagtsa-chat dati kung gising na siya, kung kumain na siya at kung papasok siya sa OJT at mahahaba ang messages ko sa kanya. Pero minsan, all caps ang messages ko kapag nagkakaroon kami ng tampuhan. Nu’ng nag-outing kami dati kasama ang mga tropa niya, ru’n siya sumasama, kaya pakiramdam ko ay nababalewala niya ako kaya nagkaroon ulit kami ng tampuhan. Dahil sa mga pagtatalo namin, sinabihan niya ako na nanliligaw pa lang ako, pero ganu’n na ako umasta. Nasagot ko siya nu’n na madali lang akong makahahanap ng iba kung aayawan niya ako, pero nagkaayos din kami pagkatapos nu’n. After ng mga ilang araw, bigla na lang may nagbago at nako-confused na raw siya sa estado naming dalawa. Sa totoo lang, nagsisisi na ako at gusto ko nang magkaayos kaming dalawa. Ano ang dapat kong gawin? — Jeremy
Jeremy,
Una sa lahat, ‘tol, dapat hindi ka nakikipagtampuhan sa kanya dahil nanliligaw ka pa lang. Lahat ng babae, matampuhin at silent treatment. Isa pa, dapat hindi ka nagse-send sa kanya ng all caps. Hindi magandang ipinakikita mo sa nililigawan mo na nagagalit o naiinis ka kaagad sa kanya. Hindi mo dapat ipinararamdam sa nililigawan mo na superior ka dahil pumayag siyang ligawan mo siya. Hindi ka dapat nag-a-attitude kasi nanliligaw ka pa lang, ‘tol, mali ‘yun! Ngayon, kung talagang gusto mo siya, bumawi ka at baguhin mo ang pag-uugali mo na hindi maganda. Good luck at God bless!





Comments