top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Shoutout sa mga suki ng talak diyan... TOP 5 FAMOUS SERMON LINES NI MOMMY

Jersey Sanchez
May 8, 2019
2 min read

ANG mga ina ang tinagu­riang “ilaw ng tahanan”, pero minsan, sila rin ang “maingay sa tahanan”, charot! Ha-ha-ha! For sure, parte na ng bu­hay natin bilang anak ang ma­sermunan. Agree? Kaya na­rito ang ilang linya na pa­la­ging sina­sabi ni nanay:

1. “MATA ANG GAMITIN MO, HIN­DI BIBIG”. Madalas na­tin itong naririnig na sagot ni nanay kapag nagtatanong tayo kung nakita ba niya ang hi­nahanap natin. Agree? Gayundin, bakit kaya kapag sila ang naghahanap, nakikita nila, pero kapag tayo, halos hinalughog na natin ang buong bahay, eh, hindi natin makita? Ang ending tuloy, nasesermu­nan tayo with matching “mata ang ga­mitin mo, hindi bibig”.

2. “PAPUNTA KA PA LANG, PA­BALIK NA AKO”. ‘Yung tipong nag­papaalam ka para um-attend ng practice o groupings, pero imbes na “oo” o “hin­di” ang marinig mo, eh, ito ang isina­sagot sa iyo. Ha-ha-ha! Siguro, noong bata pa sila, magpapaalam silang pu­punta sa school, pero gumagala pala sila. Ooops! Gayunman, upang hindi tayo paghinalaan ni mamshie, make sure na susundin natin ang mga bilin nila tuwing aalis tayo. Okie?

3. “PARA KAYONG MAY KA­TULONG”. For sure, ito ang hirit ni mamshie kapag hindi tayo nakapaglinis ng ating kuwarto o iniwan natin ang mga pinagkainan natin sa lamesa. Gayun­man, para hindi ma-highblood si mam­shie kapag nakita ang mga kalat natin, tulungan kaagad natin sila para ma-good vibes. Ganern!

4. “NU’NG MGA BATA KAMI…” Bagama’t, marami nang nagbago sa pag­lipas ng panahon, hindi nila nai­iwasang ikumpara ang buhay nila noon sa buhay natin ngayon. ‘Yung tipong kapag hindi ka nakapasok sa school, eh, sasabihin niya, “nu’ng bata ako, kahit may sakit ako, pumapasok ako, nila­lakad pa namin mula bahay hang­gang school…”, ayun, hindi na natapos ang sermunan. Ha-ha-ha!

5. “HINDI AKO NAGTATAE NG PERA”. Kapag sinabi mong, “‘ma, may babayaran kami sa school”, wala siyang ibang sasabihin kundi “hay naku, hindi ako nagtatae ng pera”. Agree? Minsan talaga, kahit kailangan nating gumastos, sinusubukan niyang magtipid kaya nagi­ging mahigpit siya sa paglalabas o pag­bibigay ng pera.

Madalas man tayong masermunan at aminin man natin o hindi, siguradong nami-miss natin ang mga linyang ito ni nanay kapag hindi tayo nakauuwi sa ba­hay.

Gayunman, hindi porke napagsa­sabihan o nasesermunan tayo ni mam­shie, eh, hindi na nila tayo mahal. Min­san, ito ang paraan nila upang ipaintindi sa atin ang mga bagay-bagay.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page