Produ at direk, kinausap… SHARON, MAY KONDISYON BAGO PUMAYAG GUMAWA NG HORROR FILM
- BULGAR

- May 8, 2019
- 1 min read

MAY kondisyon si Megastar Sharon Cuneta kina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti nang i-offer sa kanya ang horror film na Kuwaresma.
First time ni Sharon gumawa ng horror movie. Kahit pa paborito niyang manood ng mga katatakutang pelikula, still, hindi pa niya nasusubukang magbida at gumawa ng horror film.
Nagkataon namang siya ang choice nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti sa bago nilang project, ang Kuwaresma, na may kakaibang element at takot factor.
Ang magaling na aktor na si John Arcilla ang kasama ni Sharon at gaganap bilang kanyang istriktong mister.
Kakaibang experience para kay Megastar ang lumabas sa horror film. Hindi na siya nagdalawang isip na ito ay tanggapin. Pero, nakiusap siya kay Direk Erik na sana, sa ending ng istorya ng Kuwaresma ay hindi magtagumpay ang evil o kasamaan. Kailangang mamayani pa rin ang kabutihan at talunin ang mga evil spirits.
Nasunod naman ang pakiusap ni Shawie kaya marerekomenda niya sa lahat na panoorin ang Kuwaresma, ang kanyang first horror movie na palabas na sa May 15. Produced ito ng Reality Entertainment at Globe Studios.





Comments