Negosyante tiklo sa boga
- Pabs Hernandez III
- May 8, 2019
- 1 min read
SULU—Isang negosyante ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Indanan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Alnsir Jumlail Dali, residente sa nasabing bayan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Dali sa bisa ng search warranrt at dito nakumpiska ang baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments