top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Kahit dehins natin maintindihan ang lasa, mga besh! MGA BENEPISYO NG SINEGUELAS, ALAMIN!

  • Ronalyn
  • May 8, 2019
  • 2 min read

Ang sineguelas o Spanish plum na may scientific name na “Spondias purpurea” ay nagmula sa Latin America at dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas noong 1800’s. Buwan ng Abril hang­gang Hunyo ang kapanahunan ng prutas na ito. Binansagan itong “food of the God’s” dahil sa taglay nitong pambihirang nutrisyon.

Ang prutas na ito ay matamis at juicy, kaya ilang Pilipino rin ang nahilig kumain ng hilaw na sineguelas habang isinasawsaw sa asin o kaya ay sa suka. Bukod sa pagiging malinamnam at masustansiya, marami rin itong taglay na nutrisyon, bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.

Ilan lamang sa mga benepisyong nagagawa ng sineguelas sa ating katawan ay ang mga sumusunod:

1. CONTROLLING CHOLESTEROL. Ayon sa mga mananaliksik, dahil sa taglay nitong Vitamin C, ito ay mabisang panlunas sa mga naninigas na ugat na dulot ng mga naipong cholesterol. Sa ilang eksperimentasyon, napag-alamang ito ay nakaga­ga­mot ng arthroscleorosis, asthma, osteoarthritis, colon cancer at rheumatoid arthritis.

2. KILLS GERMS IN DIGESTIVE SYSTEM. Sa eksperimentasyong isinagawa kung saan iba’t ibang prutas ang sinuri, napag-alaman na ang sineguelas ay isa sa mga prutas na mabisang panlaban sa mga mikrobyo at bakterya na maaaring mabuhay sa katawan ng tao. Sagana sa fiber ang prutas na ito kaya ito ay mabisang panggamot sa mga problema sa pananakit ng tiyan na dulot ng mikrobyo at parasites tulad ng dysentery, pamamaga ng bituka, diarrhea at pagkakaroon ng dumi sa dugo.

3. BOOSTS IMMUNE SYSTEM. Ang prutas na ito ay mayaman sa Vitamins A, B at C, ascorbic acid, calcium at phosphorus kaya napalalakas nito ang immune system. Ang ascorbic acid na taglay nito ay tumutulong upang maging energetic ang tao habang ang Vitamin C naman ay tumutulong upang mapanatiling maganda ang kutis. Sa ilang pag-aaral, ito ay mabisa ring panlunas sa dengue.

4. COMBATS ANEMIA. Dahil ito ay sagana sa iron, nakatutulong ang sineguelas upang malabanan ang sakit na anemia. Tumutulong ito upang mapalakas at makatanggap ng sapat na oxygen ang dugo.

Para sa mga mahihilig magtanim at mag-alaga ng mga puno, isa ang sineguelas sa mga punong­kahoy na hindi dapat mawala sa bakuran natin.

Ngunit, paalala mga, ‘tol, ang buto ng sineguelas ay nakalalason, kaya huwag nang tangkaing ngatngatin o kainin pa ito.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page