top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Mayo 8, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MAYO 8, 2019 (Miyerkules): Paga­gan­da­hin ng iyong kapalaran ang buhay mo kahit pa ma­­lalakas at mabibigat ang dating ng mga pagsubok sa iyo kung saan halos su­mu­ko ka na.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masisingitan ka ng tukso, pero sa isip mo lang ito. Kapag nahalata mo na ang iyong isip ay na­­tutukso, gumawa ka ng paraan para makaiwas da­hil ang tukso ay nakasisira ng buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-23-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon at ang ilang araw pang darating ay para sa iyo. Walang magagawa laban sa iyo ang mga li­him at lantad mong mga kaaway. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-15-23-38-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Maaakit ka sa gandang pan­labas. Hindi ito masama tulad ng akala ng iba dahil ito mismo ay nag­sasabing, mas sumisigla ka kapag mayroon kang inspirasyon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­­teng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-27-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang matukso na gawin nang sabay-sabay ang mara­ming bagay. Ang kawa­lang tutok sa gustong mang­yari ay numero-unong da­hilan ng masaklap at ma­sakit na kabiguan. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-18-20-21-26.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mu­ling mauulit na ang iyong kinaaawaan ay iyong mamahalin. Ito ay mali at ang mali ay nag­­bubunga ng marami pang mali. Ito ay hindi gabay ng kapalaran kundi babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-23-28-34-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyung-iyo ang magagandang bagay. Ang mga pangit at hindi mabuti ay mapupunta sa mga kontra­bida sa buhay mo. Ito ang pasya ng langit kaya tiyak na ito ay mangyayari. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-28-31-33-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang daan ng pag­kakasundo. Ka­pag magulo ang buhay, walang magandang bagay na magaganap at ito rin ay hahatak sa mas pangit na mga pangyayaring hindi inaasahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-16-24-40-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tangga­pin mo nang may ngiti sa iyong mga labi ang pag­kalugi dahil ang kondisyon bago dumating ang napa­kalaking suwerte para sa iyo ay kailangan mo mu­nang malugi. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-24-39-40-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka, ngayon na dahil ang mga karibal mo ay nag-aaka­lang mahina ka na dahi­lan kung bakit ikaw ay ka­nilang babalewalain. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-13-20-21-27-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huhus­ga­han ka ng langit nga­yon at ang magiging resulta ay mas matimbang ang ma­gagandang katangian mo kaya makatatanggap ka ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-22-29-36-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hahana­pin mo ang saya, pero hin­di mo ito makikita. Ga­yun­man, hindi ka malu­lung­kot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ka­sa­lukuyan. Masuwer­teng ku­lay-brown. Tips sa lotto-16-20-25-40-42-49.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumarami ang mga gus­tong dumikit sa iyo. Akala nila, may mapakikinabangan sila sa iyo, pero ang hindi nila alam, sila ang iyong ma­pakikinabangan. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page