top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Binatang gustong humingi ng second chance

ROMA AMOR
May 8, 2019
2 min read

Dear Roma,

Ako si Neil, 21 years old. Naging kami ng GF ko for 5 months, pero bigla na lang siyang nakipag-break sa akin. Wala ka­ming problema at ma­ayos ang relasyon namin, pero bigla na lang siyang na­ging ganu’n. Bigla na lang niyang pinutol ang ko­munikasyon niya sa akin. Nagsimula ang lahat noong nakita niyang may ka-chat akong ibang babae. Nu’ng araw ding ‘yun, nag-set siya ng date na­min kaso hindi ako naka­sipot dahil may ka-chat ako. Mahigit 1 hour daw siyang naghin­tay. Nag-sorry ako sa kanya at ti­nanggap niya ‘yung sorry ko, then all of a sudden bigla na lang niya akong tinext na hindi raw siya ‘yung ba­baeng karapat-dapat sa akin. Sabi niya “you de­serve someone better than me”. Mahal ko siya, sa ka­tu­na­yan, nu’ng kami pa, naka­tira siya sa Laguna, pero every weekend pinu­pun­tahan ko siya, wala akong paki­alam kahit malayo pa. Ano ang dapat kong gawin? — Neil

Neil,

Alam mo, ‘tol, lahat ng ba­gay na hindi mo sinasabi sa partner mo, maging ang mga bagay na inililihim mo na lang dahil sa pag-iisip na masasaktan lang siya kapag nalaman niya ay tinatawag na “panloloko” o “chea­ting”. May mga pagkaka­taon ta­lagang insensitive ang mga lalaki, ‘tol. ‘Yung akala nin­yong okay lang, pero hindi natin naiisip na baka may iba na pa lang dinidibdib ‘yung partner natin. Nasa isip mo na maayos ang lahat, pero, ‘tol, hindi ka iiwanan ng nobya mo kung talagang maayos ang lahat sa relas­yon ninyong dalawa. Hindi mo puwedeng sabihin na wala lang sa iyo ‘yun kasi ka­hit na anong paliwanag ang gawin mo, sinabi mong mahigit isang oras siyang naghintay sa iyo sa wala kasi busy kang nakikipag-chat, ibig sabihin, malinaw na pi­na­tulan mo ang panlalandi sa iyo ng iba. Siguro ang da­pat mong gawin ay humingi ka ng tawad sa kanya, hindi dahil trip mo lang kundi dahil na-realized mong mali ka. Ipa­ramdam mo sa kanyang sincere ka, pero kung ayaw na talaga niya, igalang mo na lang ang desisyon niya. Bigyan mo siya ng space at panahon para makapag-isip-isip. Kung talagang kayo ang para sa isa’t isa, kahit anong mangyari, babalik at babalik siya. Good luck sa’yo, ‘tol!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page