top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wala raw ‘yan sa yaman o hitsura, besh! TIPS SA PAGPILI NG MAPAPANGASAWA

Donna Thea Topacio
May 7, 2019
2 min read

No Problem

MONTH of May na, for sure, marami sa mga beshy natin ang bet maging June bride, pero wait, anu-ano nga ba ang dapat ikonsi­dera sa pagpili ng ma­papangasawa? Narito, ang ilang tips na dapat malaman ng mga indi­bidwal na bet ng mag-settledown:

  1. ACCEPT AND EMBRACE YOUR FLAWS. Kapag ‘yung tao, eh, hindi na alam ang salitang “turn-off” dahil kahit ano pa ang iyong baho, eh, mahal ka pa rin niya.

  2. CONSIDER YOU WHEN MA­KING DECISIONS. Dahil inirerespeto ka niya, ikinokonsidera niya ang iyong mga de­sisyon at hindi siya basta-basta nagpapasya, lalo na kung hindi ka pabor.

  3. GROWTH-ORIENTED. ‘Yung mayroon siyang panga­rap sa buhay nang sa gayun ay may kasama kang abutin ang inyong mga pangarap. Mahirap kasi kung magpapa­kasal ka sa taong wa­lang gustong marating.

  4. COMMON BE­LIEF AND VALUES. Siyempre, ru’n ka na sa taong kapareho mo ng paniniwala dahil sa to­too lang, isa ito sa mga maaaring pag-awayan ng mag-asawa.

  5. WILLING TO PUT EFFORT. Sino ba ang ayaw sa taong ma-effort? ‘Yung tipong kahit hindi mo sabihin, eh, nagkukusang gawin ‘yung bagay na maka­pagpapasaya sa iyo.

  6. TRUST WOR­THY. Kapag nag-asa­wa ang indibidwal, ang lahat ng kanyang impor­masyon ay malalaman ng kanyang partner sa buhay, kaya dapat kung pipili tayo ng mapapa­nga­sawa, eh, ‘yung ma­pagkakatiwalaan na, ‘di ba?

  7. ABLE TO COM­MUNICATE WITH YOU. Huwag kang mag­hanap ng partner na magaling lang kau­sap sa text o chat, pero sa personal, hindi maka­basag-pinggan kahit kayong dalawa lang. Tsk!

  8. VIEWS YOU AS A PARTNER. Min­san, may karelasyon tayo na nakikita lang tayo bilang BF o GF, pero hindi partner sa la­hat ng bagay, ‘yun ang dapat ninyong iwasan kapag gusto na ninyong mag-settledown.

Okie?

Oh, sa mga lodi natin diyan na naghahanap na ng mapapangasawa, mabuting ikonsidera ninyo ang mga naka­lagay sa itaas nang sa gayun ay hindi kayo magsisi sa huli.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page