SEÑOR LUCAS AT KINGSHIP SA WTA
- Ding Taboy
- May 7, 2019
- 2 min read

HAHATAW ang mga kalahok sa Condition Race, Condition Race Merged, Group Race at 3 Year Old & Above Maiden Race sa Additional One Win In Group Races sa Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.
Kasabay nito, magaganap din ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa pitong karerang bibitiwan na magsisimula ng 6:30 p.m.
Sa Race 1, magsisimula ang WTA at pinapaboran ang tatlong mananakbo na pangungunahan ng Couple Entry na Corte English. Mika Mika Mika, Luyang Cave at Sense of Rhythm. Sa pagsisimula ng Pick 6 sa Race 2, pinapaboran ang Simply Believe, Eagle Nest, Whatdreamsmaycome at Felicity.
Sa Race 3, magaganap ang Pick 5 at pinapatok ang Señor Lucas habang ang Trust Me at Easy To Win ay may panalo sa grupo. Walang kasing patok ang Stay Ready habang ang Pious Ashley, Summer Cruise at Zophany Dane ang makakalaban sa Race 4 kasabay ng pagsisimula ng Pick 4.
Binibigyan ng malaking panalo ang Kingship habang ang mga kalaban na Kapayapaan, Jade Master at Beacon Street ay may tsamba sa pag-arangkada ng Race 5. Ipinapatok ang Harapin Ang Bukas habang ang Batang Baclaran at couple entry na I Object at Golden Buzzer ang tatalo sa pag-alagwa ng Race 6. Sa Race 7, ipinapatok ang Haymaker habang ang mga kalahok na Ravel, Gonzee’s Bet at Shining Sheltex ay tsamba.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Entry No.1 Luyang Cave (5) Race 2- Entry No.2 Eagle Nest (7) Race 3- Señor Lucas (1) Trust Me (3)
Race 4- couple Entry No 3 Zophany Dane (5) Race 5- Kingship (7) Kapayapaan (3) Race 6- Harapin Ang Bukas (6) Batang Baclaran (1) Race 7- Haymaker (4) Ravel (9) Gonzee’s Bet (10)





Comments