top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sey ng experts... BROWN RICE, NAKAKIKINIS NG BALAT!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2019
  • 1 min read

MARAMI ngayon ang nagda-diet kung saan ang kinakain nilang kanin ay red rice o kaya ay brown rice, pero knows ba ninyo na ang brown rice umano bukod sa na­ka­kapayat, eh, nakapo-flawless din ng balat? Weh, ‘di nga?

Sa pag-aaral, sinasabing ang brown rice umano ay nakapagpapakinis ng balat dahil mayroon itong fiber na epektibong pampatanggal ng blemishes, gayundin, ito ay may protina na kilalang powerful exfoliant dahil keri nitong i-promote ang cell growth at i-stimulate ang da­loy ng dugo sa balat na naka­pagbibigay ng vibrant at brighter appearance.

Gayunman, dahil mainam ang brown rice sa balat, maging ang premature aging ay kaya nitong alisin, kaya kung worried kayo, mga beshy, ito na ang solusyon ninyo para riyan.

Dagdag pa rito, dahil mas mababa ang calorie at su­gar ng brown rice, kaya tayong i-prevent nito sa diabetes at obesity.

Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, epektibo rin itong panlaban sa mga sakit sa tiyan, gayundin sa kanser na nakamamatay.

Ito ay dahil nae-eliminate nito ang toxins na nasa ating katawan sa pamamagitan ng nutrisyon at mineral na tinataglay nito.

Kaya para sa mga beshy natin diyan na gusto ng magpaka-healthy, the best ang brown rice para riyan.

Pero, dahil medyo pricey ang mga pagkaing mas healthy, make sure na may budget kayo para rito. Okie?

Ngayong alam na natin ang mga benepisyong ka­yang ibigay ng brown rice sa ating kalusugan, siguro naman magkakaroon na tayo ng pakialam sa ating mga kinakain. Hmmm…

Less unhealthy foods, mas better!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page