top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Namimitas ng bulaklak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Maria ng Maria_ Ja­nice@face-book.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sa­bihin ng panaginip na nami­mitas daw ako ng bulak­lak na red poin­settia?

Sana, masagot ninyo ito.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Maria

Sa iyo Maria,

Napakaganda ng panaginip mo. Naka­mamangha dahil ma­dalas ang mga panagi­nip ng babae ay mga problemang kanilang nararanasan, pero ikaw ngayon ang panaginip mo na namimitas ka ng poinsettia flower ay na­pakagandang panagi­nip.

Tingnan mo, iha, sa pag-aanalisa ng mga pa­naginip, unang ilalagay sa isip ay kung ano ang napanaginipan na nagla­larawan sa mis­mong nanaginip.

Sa ganitong batas sa pagsusuri sa mga pana­ginip ibinabalita sa iyo na ang mismong flower na napanaginipan mo ay may botanical name na “Euphorbia pulcher­rima” na ang meaning ay “very beautiful”.

Ikaw ngayon ang magsabi, tama ba na ang napanaginipan ay nag­la­larawan mismo sa na­naginip? Ang tanong, maganda ka ba?

Ano ang sagot mo, iha? Baka hindi ka ma­kasagot kaagad, kaya ang tanungin mo ay ang mga kaibigan mo o kakilala. Ano kaya ang ka­nilang isasagot? Hmmm…

Kung nagkataong hindi ang sagot nila, mali ang sinasabi kong paraan ng pag-aanalisa sa mga panaginip, pero dahil hindi nagsisinu­ngaling ang mga pana­ginip, sure na sure na ikaw ay maganda.

Bukod sa meaning ng bagay na napanagi­nipan, may mensahe na nakapaloob sa flower na nasa panaginip mo, ito mismo ay tinatawag na “star of bethlehem”, ang star ang nag-guide sa tatlong astrologers para matukoy kung saan mismo isinilang si baby Jesus.

May boyfriend ka na ba o may karelasyon? Ang payo para sa kanya ay dapat sundin ka niya dahil ikaw ang magda­dala sa kanya o sa in­yong dalawa sa tagum­pay kung saan yayaman kayo at sob­rang ga­ganda ang buhay ninyo.

Paano kung hindi ka niya sundin? Eh, sorry na lang sa kanya dahil ikaw ay simbolo ng the star of bethlehem na napakagandang bituin na gumabagay sa mga gustong umunlad ang buhay.

Pero, bilang pagtata­pat sa iyo, madalas, ang mga babaeng sumisim­bolo sa star ay larawan ng bituin na maganda na nasa dingding lang, kumbaga, ‘yung kani­lang mga asawa o kare­lasyon ay pan-display lang at walang kara­pa­tang magdesisyon.

Kaya minsan, mahi­rap kapag ang babae ay maganda. Ano ang ma­sasabi mo sa buhay mo ngayon?

Are you the star that guide a man o are you a star na pan-display lang?

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page