Bagyong Fani sa Bangladesh | 5 PATAY SA BAHA
- Jersey Sanchez
- May 7, 2019
- 1 min read
TINATAYANG nasa mahigit 1,000 kabahayan ang nasira ng Bagyong Fani sa Bangladesh.
Bukod pa rito, nag-iwan din ito ng malawakang pagbaha sa isang bayan na ikinasawi ng lima katao at ikinasugat ng 63 iba pa.
Ang Bagyong Fani ay bahagyang bumagal nang tumama sa bansa dahil nauna itong tumama sa India.
Ibinaba ito sa tropical depression na mayroong lakas na 70 kph.
Matatandaang, umabot sa 16 ang death toll nang manalasa ito sa India noong nakaraang linggo.
Samantala, nakatanggap ng papuri mula sa ilang eksperto at sa United Nations (UN) ang India sa agarang pagkilos nito upang ilikas ang mahigit 1 milyong residente bago tumama ang Bagyong Fani sa bansa.





Comments