top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktres, game na game, aktor, walang time… JOLINA-MARVIN BALIK-TAMBALAN, TAGILID!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
1 min read

MATUTULOY pa kaya ang planong reunion movie nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin under Star Cinema?

Nag-aabang na ang mga fans nina Jolens at Marvin at lahat ay excited na muling mapanood sa big screen ang tambalang kanilang hinahangaan.

Game naman si Jolina sa balik-tambalan nila ni Marvin. Wala namang problema sa mister ni Jolens na si Marc Escueta dahil trabaho lang para kay Jolina ang lahat.

Besides, gusto ring pagbigyan ni Jolens ang mga fans na nagri-request ng reunion movie nina Jolina at Marvin.

Natatandaan naming nabanggit ni Jolina noon sa Magandang Buhay na willing sila ni Marvin na mag-co-produce sa kani­lang reunion movie para matuloy ito at mapasaya ang kanilang mga fans and supporters.

Halos nasa kalagitnaan na ng 2019 at wala pang balita o paramdam kung matu­tuloy pa ba ang Jolina-Marvin Agustin movie. May prob­lema ba? Busy bang masyado si Marvin sa kanyang mga negos­yo?

Anyway, si Jolina naman ay abala sa pagho-host sa daily morning show na Magandang Buhay with Karla Estrada and Melai Cantiveros.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page