top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

UNAHAN NA SA PLAYOFFS ANG 4 TEAM NG PBA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
1 min read

DIKITAN ang nangungunang koponan sa Aspirants Group Cignal-Ateneo ang tatangkain ng University of Santo Tomas para sa target na playoff bonus sa tampok na laro ngayong hapon ng nakatakdang triple header sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nasa ikalawang puwesto ngayon ang Tigers sa kanilang grupo hawak ang 5-1, panalo-talong marka kasunod ng Blue Eagles na may 8-1 na baraha.

Aasintahin ng UST ang ika-6 nilang panalo sa pagtutuos nila ng Che’Lu Bar and Grill sa ikatlong laban ganap na ika-4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Tigers na patibayin ang kapit sa ikalawang posisyon para sa hinahabol nilang nalalabing insentibo papasok ng playoff round para sa kanilang grupo. Target ng UST ang back-to-back win pagkaraang makabalik sa winners circle matapos gapiin ang McDavid, 111-90, sa nakaraan nilang laban kasunod ng una nilang kabiguan sa kamay ng Petron-Letran.

Sa kampo naman ng Revellers, magsisikap silang makabalik sa winning track matapos ang nakaraang pagkatalo sa kamay ng Cignal-Ateneo na nagbaba sa kanila sa patas na 3-3, panalo-talong marka.

Magtatangka silang tumabla sa pumapanglimang Go for Gold-CSB upang makalapit sa 4th spot na kasa­lukuyang okupado ng Petron-Letran (5-3) para patuloy na palakasin ang tsansang makasama sa top 4 ng kanilang grupo.

Magtutuos sa unang laro ganap na ika-12:00 ng tanghali ang Wangs Basketball (3-4) at SMDC-NU (2-5) na parehong nasa lower half ng Foundation Group na susundan ng salpukan ng winless pa ring CD14 Designs-Trinity University (0-7) at University of Perpetual (1-5) ganap na 2:00 ng hapon. (VA)

Mga Laro Ngayon

JCSGO Gym, Cubao: 12 p.m.

Wangs Basketball vs SMDC-NU: 2 p.m.

CD14 Designs-Trinity vs Perpetual: 4 p.m.

UST vs Che’Lu Bar and Grill

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page