top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sori na lang, Nadine… LIZA, BAGUHANG AKTRES ANG GUSTONG PUMALIT SA KANYA SA DARNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 2 min read

SA Mama Ogs Says ni Ogie Diaz sa Facebook ay nagbigay siya ng kanyang opinyon kung sino ang gusto niyang maging next Darna matapos mag-back-out ang alaga niyang si Liza Soberano.

Aniya, kung siya ang tatanungin ay gusto niya ng bagong mukha sana.

Actually, mas maganda kung bagong mukha para fresh at mas exciting. Kasi, kung dati nang mukha ang magiging Darna, nakita na ng mga tao kung paano ‘yun umarte. Kung new face naman, kaya namang i-train ‘yan sa akting at sa fight scenes, pero ‘yung mukha niya, doon pa lang sa Darna makikita, na malakas sana ang dating. ‘Yung ‘pag tiningnan mo siya nang mga 5 seconds, pagpikit mo, kaya mo pa ring i-drawing sa isip mo ang hitsura niya,” bahagi ng post ni Ogie.

Maging si Liza ay ito rin daw ang gusto – new face.

“Ang sabi ni Liza sa akin, ‘Kung new face ‘yan, Tito Ogs, galingan niya talaga, dahil sobrang anlaking opportunity ng Darna sa kanya. Give her heart and soul to the project, lalo na sa mga trainings at sa acting. And I know for sure, this movie will make her. ‘Wag lang ikalaki ng ulo niya because hindi siya nag-start from bottom. Big break agad. Kaya remain humble,’” Mama Ogs said in his post.

Lagi nga raw tinatanong sa kanya kung sino sa mga artista natin ang gusto niyang maging Darna and he revealed na dati raw ay nag-audition pa sina Actress K at Actress M pero talagang si Liza raw ang bet ng produksiyon sa umpisa pa lang.

Kung sino sina Actress K at Actress M ay ayaw niyang i-reveal pero sa “K” for sure, ang unang papasok sa isip ng marami ay si Kathryn Bernardo.

Sa “M” naman, ang una naming naisip ay si Maine Mendoza.

Hindi lang daw ang dalawang aktres ang nag-audition kundi marami pa including Julia Barretto.

Ayon pa kay Ogie, naka-move on na si Liza sa gina­wang malungkot na desisyong ito sa kanyang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page