top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAIKASAL SA BF KUNG BABABAAN ANG PRIDE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong su­mangguni sa inyo upang itanong kung ano ang posibleng mangyari sa relasyon namin ng boy­friend ko?

Kung compatible ba kami at kapag kami na ang nagkatuluyan, ma­giging matagumpay at maligaya rin kaya ang ita­tayo naming pa­milya?

October 10, 1992 ang birthday ko at May 1, 1990 naman ang boy­friend ko.

Umaasa,

Marjorie ng Gulod, Calatagan, Batangas

Dear Marjorie,

Kapag ang dalawang strong number ay nag­sama, tulad ng birth date mong 10 o 1 (dahil ang 10 ay 1+0=1) at nagka­taong 1 din ang birthday ng boyfriend mo, ang tendency ay maaaring magkahiwalay din kayo sa bandang huli.

Nangyari ito dahil ang ibig sabihin ng “strong number” na tu­lad ninyo na kapwa nag­tataglay ng number 1 ay may pagka­mayabang o sa madaling salita ay ma-ego, ma-pride, ma­hilig makipag­talo, pero hindi nagpa­paraya. Ibig sabihin, ang gusto niya ay palagi si­yang panalo.

Dahil ang birth date na 10 at 1 na siyang birth date ninyo ng boy­friend mo ay strong num­ber, kayo ay maya­bang at ma-pride.

Dahil dito, kumbaga sa usapang kanto, mag­papataasan kayo ng ihi hanggang sa wala sa ka­nila ang magpatalo at kapag nagdedebate o nagkaroon sila ng dis­kusyon sa maliit na ba­gay lamang, palalakihin nila ito nang palalakihin hanggang sa tuluyang lumala ang kanilang de­bate na mauuwi na sa pag-aaway at tampuhan.

At dahil walang nag­papatalo, magiging “pat­­tern na” ng pagsasama nila ang ganu’ng sit­was­yon. Kumbaga, pa­lagi silang nagpapa­ga­lingan hanggang sa ban­dang huli, dahil hindi nila matiis ang isa’t isa, sa pa­giging “strong per­sonality” nilang da­lawa, sa bandang huli, ma­la­mang na magkakahi­walay din sila.

Palagi silang nagpa­pagalingan at walang nag­papatalo, kaya sa ban­dang huli, ang kani­lang relasyon ang talo da­hil maaaring sa paghi­hiwa­lay sila mauwi.

Sinasabi namin ang mga bagay na ‘yan, hin­di para paghiwalayin kayo ngayon, bagkus, ina­­ana­lisa lang natin ang tak­dang kapalaran o ang mangyayari sa in­yong relasyon upang ngayon pa lang ay ma­tuto ka­yong magpa­kum­baba.

Kung wala kasing mag­paparaya, tulad ng naipa­liwanag na, dahil kapwa kayo may strong number, sa bandang huli, siyento-porsiyento, sa kangku­ngan din pu­pulutin ang inyong re­lasyon.

May mga naitala pa ngang kaso na parehong strong number na ka­pag nag-aaway ay nagpupu­kulan sila ng mga gamit. Buti na lang bukod sa mayabang, ma-ego at ma-pride ang mga ta­ong may strong number na 1 ay magaling din si­lang umilag, kaya kapag pinu­kol ng kanyang ka­pareha ang gamit ay hin­di siya tinatamaan at na­katatak­bo siya ka­agad.

Ang problema, pa­ano kung hindi ka ma­kailag? Paano kung habang tu­matakbo ay nadapa ka? Paano kung higit na asin­tado ‘yung pumupukol sa umiilag? ‘Yun ang masa­kit na se­naryo sa buhay ng mag­karelasyon na kapwa may strong num­ber, ma­lamang na grabe sila kung magkasakitan — emotionally at physi­cally.

Hindi tulad sa mag-asawang may weak num­ber kung saan magka­sakitan man sila, mas mauuna ang takot na masaktan ang kanyang kapareha o kung makasa­kit man ang taong may weak number, kaagad niya itong pinagsisihan.

In short, para maging maligaya ang relasyon ng magkapareha na pare­hong may strong number, tulad ng nasabi na, kaila­ngang may magpaka-weak sa kanila.

Kapag nangyaring may nagpa-under sa mag-asawa na may strong number, kumbaga, may sumuko, nagpakumbaba, nagparaya, nagpakamar­tir, sigurado ang magaga­nap, yayaman sila at ha­bambuhay nang magi­ging maunlad at mali­gaya ang kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page