top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mala-FPJ na idolo noon, lumabas ang tunay na kulay… COCO, BIGLANG NASIRA SA MADLANG PIPOL DAHIL KAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 1 min read

MAHINAHON, mahabang pasensiya, mabait, mapagkumbaba, matulungin, parehas na trato sa kapwa artista, lalo na sa maliliit na mang­gagawa. Ito ay ilan lamang sa magagandang katangian ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. na hinahangaan ng libu-libo niyang tagahanga.

May kakaibang karisma si FPJ sa tao. Hinding-hindi basta mabubura at makaka­limutan ng showbiz industry ang legacy na iniwan ni Da King.

Maging ang ilang sikat na celebrities ay mataas ang respeto kay FPJ. Ang ser­yeng Ang Probinsyano na halaw sa pelikulang ginawa noon ni FPJ ay mainit na ti­nangkilik sa telebisyon.

Mahigit tatlong taon na ito sa ere at maraming ma­lalaking artista na ang nag-guest dito tulad nina Eddie Garcia, Lito Lapid, Edu Manzano, Rowell Santia­go, atbp..

Uminit nang husto ang career ni Coco Martin dahil sa kanyang pagganap bilang Cardo sa Ang Pro­bin­syano. Maraming bata ang umiidolo at nanggagaya sa kanya. Pero, dahil lang sa isyu na may anak na siya kay Julia Montes, na ayaw niyang pinag­pipiyestahan ng media, napikon ang dating mabait na aktor.

Nasaan na ang hinahon, ang pagpapakumbaba, ang pagpapasensiya at ang parehas na trato sa maliliit na manggagawa sa telebisyon ni Coco Martin?

Oo nga’t nabibigyan niya ng trabaho ang ilang jobless na artista, pero bakit nawala na ang pagpa­pakumbaba ni Coco? Hindi ganyan si FPJ!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page