Kesa raw unahing iligtas ang sarili… BEA, LUMILINDOL NA, TODO-VIDEO PA SA MGA TAO SA AIRPORT

Beth Gelena / BULGARY FILES

KASALUKUYAN palang nasa San Jose, Occidental Mindoro ang Kapuso actress na si Bea Binene nu’ng nagkaroon ng 5.5 magnitude earthquake sa naturang lugar.
Ayon sa text na natanggap namin sa aming kapatid na kasalukuyan ding nasa airport (SJOM is my province) that time ay kitang-kita raw nila ang panginginig ng katawan ng aktres.
Hula namin, kaya nandu’n si Bea ay dahil baka na-invite sa aming lugar dahil fiesta ru’n nu’ng May 1.
Una raw ay pinagkakaguluhan si Bea ng mga taga-roon. Ang actress naman ay very accommodating na nagpapakuha ng larawan sa kanyang mga tagahanga.
Nang maya-maya raw ay naramdaman nilang lumilindol na nang napakalakas, kitang-kita raw nila si Bea na ‘di man nag-panic ay banaag sa mukha ang pagkatakot.
Pero, nagawa pa rin daw kunan ng aktres ng video ang mga taong nasa airport na nagtakbuhan palabas ng departure area papuntang parking lot.
Ayon pa sa text ng aming kapatid, mabuti na lang daw at kalmante ang dagat at hindi nagkaroon ng tsunami.
Ang airport kasi sa Occidental Mindoro ay malapit lang mismo sa dagat.





Comments