top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kahit pasok sa serye ni Coco, 'di raw titigil sa pagtoma… SIGAW NI BARON: AYOKONG MANGAKO!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KILALA ang kabaitan ng aktor na si Coco Martin sa pagtulong at pagbi­bigay uli ng break sa mga artistang nawawala na sa limelight.

Ilan na sa mga natulungan ni Coco ang magaling na aktor na si Lito Lapid na umangat uli ang career matapos lumabas bilang pinuno sa hit Kapamilya serye na Ang Probinsyano. Pati na rin ang child star na si Red Bustamante na matapos makagawa at patunayan ang galing sa pag-arte ay biglang nawala at nagkasakit.

Nariyan din ang ginawang pagtu­long ni Coco sa Split Queen na si Mystica na nakabili pa agad ng sasakyan mata­pos mag-guest sa serye.

Lumabas din ang dating comedienne na si Whitney Tyson at iba pang dating artistang hindi na aktibo sa showbiz.

Kaya, hindi na rin kataka-taka para sa marami ang paglabas ni Baron Geisler sa longest-running action-drama-series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Baron ang pumalit sa intense na kontrabida role ni Jhong Hilario na kinailangan nang magpaalam dahil kumakandidatong re-electionist councilor sa Makati.

Ginagampanan ni Baron ang role ni Dante, kakambal ng isang karakter na pinatay noon ng karakter ni Coco na si Ador (kakambal ni Cardo) at ipinag­hihiganti niya ang pagkamatay nito.

Sa isang interview, nagkuwento ang aktor kung paano siya kinausap ni Coco Martin para isali sa action-drama series.

“Overwhelmed nga ako sa mga comments sa social media. Nagulat ako na very warm ‘yung pagtanggap nila sa akin,” ang naging reak­siyon ni Baron sa magagan­dang feedback na nakukuha niya mula sa mga netizens na nakapanood ng pagbabalik-telebisyon niya.

“Ang sabi ni Coco, ‘Bro, tutulungan kita, pero tulu­ngan mo rin ang sarili mo. Ang hinihingi ko lang sa ‘yo, makisama ka lang, maging professional ka lang. Mara­ming shows ang ABS-CBN, hindi ka mawawala,’” ang naging pakiusap daw sa kanya ni Coco.

Sobrang laki raw ng pa­sa­la­mat niya na pinagkati­wa­laan siya ni Coco at ito rin daw ang chance niya para makaipon ng pera para sa kanyang fiancée.

Kuwento ni Baron, “La­king-pasalamat ko kay Coco na binigyan niya ako ng chance sa Probinsyano. Ito ‘yung chance ko to earn money and to support my wife-to-be.”

Ayon kay Baron, wala siyang ginagamit na sasakyan papun­tang taping dahil ibinenta niya ang kanyang Fortuner para maipandag­dag sa barbershop business na itinayo niya sa Cebu.

Aniya, “Ang bait ng ABS-CBN kasi sinusundo at inihahatid nila ako kapag may taping. Hindi na ako nagko-commute.

“Pakiramdam ko, I’m starting from humble beginnings, from scratch ta­laga, parang back to basic.

“Naranasan ko noon na maghaha­gilap ng pera para kumain. Coming from a well-to-do family, naranasan kong maghirap.”

At sa tanong na sa palagay ba niya ay hindi na magkakaproblema ang production team ng Dreamscape sa pagiging alcoholic niya dati, sagot ni Baron, “Ayo­kong mangako, I’m enjoying my job. I feel comfortable under my skin, na-forgive ko na ang sarili ko, wala akong problema kahit kanino.

“Ang hirap ‘pag nangangako, nauunsiyami. Dapat gawin na lang. So far, wala namang negative. Every day, may meditation ako. Sickness na kasi ‘yung pagiging alcoholic ko, eh,” ang naging pahayag ni Baron.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page