Eroplano bumagsak sa ilog, 21 nadale
ISINUGOD sa ospital ang dalawampu’t isang pasahero na nagtamo ng minor injuries matapos lumampas ang chartered Boeing 737 sa runway at bumagsak sa ilog sa Florida.
Ang naturang eroplano ay papunta sa military base sa Jacksonville na ino-operate ng Miami Air International.
Nabatid na ang masamang panahon ang naging dahilan para lumampas ito sa runway at dumiretso sa St. John’s River.
Agad lumabas ang 136 pasahero at pitong crews.
Gayunman, ayon kay Jacksonville Mayor Lenny Curry, walang naitalang namatay sa insidente.
Samantala, nag-alok ng tulong si US President Donald Trump habang sinabi ng Boeing na tutulong sila sa US National Transportation Safety Board sa pag-iimbestiga sa insidente.





Comments