top of page

Alamin mula kay Señor... KATOTOHANAN TUNGKOL SA PAGPAPAKASAL NG MAGKAPATID SA PAREHONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Rexie ng Rexie_Lady_Beautiful@facebook.com

Dear Señor,

Bawal bang ikasal ang magkapatid sa parehong taon? Ang sabi ng matatanda, masama raw ang ganu’ng gawain.

Darating ‘yung foreigner na boyfriend ko sa July at ang gusto niya ay magpakasal na kami pagdating niya, pero ‘yung kapatid ko ay ikinasal noong March lang.

Sana, matulungan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Salamat!

Naghihintay,

Rexie

Sa iyo Rexie,

Oo, bawal sa magkapatid ang ikasal sa iisang taon dahil ito ay nakaugalian na sa kulturang Pilipino.

Pero, para malinaw, bawal lang ito kapag ang mag­kapatid ay parehong lalaki. Dahil noon, ang kasal ay bonggang-bongga na ang buong bayan ay parang may fiesta sa bawat kasalan.

Bukod sa masasarap na putahe, obligadong mag­papatay ng kalabaw, baka at mga baboy. Madalas, ku­lang ang isa kaya dalawa hanggang tatlong hayop ang kinakatay.

Alam mo, iha, ang sasagot sa gastos ay ang panig ng lalaki, kaya obligado silang maghanap ng malaking halaga ng pera.

Hindi lang ‘yan, obligado rin na bigyan ng yaman ang mag-asawa, madalas ay ekta-ektaryang sakahan at binibigyan din sila ng mga kalabaw, baka at baboy na kanilang aalagaan.

Bukod pa sa pamilya ng babae ay hihingi rin ng pera o ari-arian na sa pamilya mapupunta at hindi sa mag-asawa.

Kaya kapag magkapatid na lalaki ang mag-aasawa sa iisang taon, hindi pinapayagan dahil ma­aari silang mahirapan.

Noon, sa maraming probinsiya, ang mga magulang ay sobrang natutuwa kapag sila ay nagkakaanak na mas marami ang babae kaysa sa lalaki dahil puwedeng yumaman ang magulang kapag nag-asawa na ang kanilang mga babaeng anak.

Ngayon, bagama’t, isa na lang ‘yung pamahiin, kinatatakutan pa rin ng ikakasal ang sabay na kasal. Hindi dahil sa sobrang magastos kundi ‘yung sinasa­bing “playing safe” para makaiwas sa posibleng ma­samang epekto ng pamahiin.

Kaya ang payo para sa iyo, kung puwede ay hu­wag muna kayong magpakasal ng foreigner boyfriend mo, pero kung ipipilit niya, okay lang naman.

The best time for marriage ay sa full moon. Puwede rin sa ibang araw, pero kailangan ay malapit sa date ng full moon para ang buwan ay bilog, ibig sabihin, kasa­ganahan ang naghihintay sa ikakasal.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page