Retarded sinaksak ng kelot
Pabs Hernandez III
May 5, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang retarded ang sugatan nang saksakin ng hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Villasis sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima nang lapitan at saksakin ito ng suspek sa hindi pa malamang dahilan.
Inoobserbahan pa ngayon sa ospital ang biktima, samantalang, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments