Pinakamalakas na bagyo sa India | 1 MILYON RESIDENTE, INILIKAS
Jersey Sanchez
May 5, 2019
1 min read
MAHIGIT isang milyon katao ang nananatali sa evacuation center sa silangang bahagi ng India dahil sa pananalasa ng tropical cyclone Fani.
Ito na ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa matapos ang 20 taon.
Batay sa ulat, maraming ari-arian ang nasira dahil sa patuloy na pag-ulan at malakas na hangin na dala ng bagyo.
Patuloy pa rin ang relief and rescue operations ng mga coast guard at navy sa bansa.





Comments