Pagkatakot sa tubig, bulaklak, hangin at iba pa… IBA’T IBANG URI NG PHOBIA, ALAMIN!
- Ronalyn
- May 5, 2019
- 2 min read

PAGKATAKOT sa gagamba, sa dilim, sa matataas na lugar at sa matutulis na bagay.
Narinig mo na ba ang salitang “phobia”? ‘Yan ay ilan lamang sa mga uri nito.
Ang phobia ay isang uri ng mental disorder kung saan nakararamdam ng matinding takot ang tao sa mga bagay, sitwasyon, lugar, insekto o hayop.
Ayon sa American Psychiatric Association (APA), mayroong tatlong grupo ng phobia at ito ay ang mga sumusunod:
SPECIFIC PHOBIA. Ito ang matinding pagkatakot sa mga maliliit o walang kabuluhang bagay, sa madaling salita, simpleng pagkatakot lang ito tulad ng pagkatakot sa ahas, multo, gagamba at iba pa.
SOCIAL PHOBIA OR SOCIAL ANXIETY. Ito ay ang malalim na pagkatakot sa mapanghusgang kapaligiran at komunidad. Ito ang karaniwang pagkatakot sa pakikihalubilo sa mga tao.
AGORAPHOBIA. Ito ay uri ng anxiety disorder na parang halos ayaw mo nang lumabas ng bahay dahil sa matinding takot na nararamdaman mo sa paligid at sa mga tao. Ito ‘yung pagkatakot lumakad mag-isa nang walang kasamang pinagkakatiwalaang tao.
Samantala, ang mga sintomas ng phobia ay pagpapawis, hirap sa paghinga, mabilis na pagtibok ng puso, chest pain, pagkaduwal at pagkahilo.
Ito naman ang ilan sa mga klase ng phobia na hindi mo akalaing nag-e-exist pala:
Ablutophobiam — pagkatakot sa paliligo o paglilinis
Aerophobia — pagkatakot sa paglipad
Alliumphobia — pagkatakot sa bawang
Anemophobia — pagkatakot sa hangin
Anthophobia — pagkatakot sa mga bulaklak
Aquaphobia — pagkatakot sa tubig
Arachibutyrophobia — pagkatakot sa pagdikit ng peanut butter sa ngalangala
Arithmophobia — pagkatakot sa mga numero
Chaetophobia — pagkatakot sa buhok
Clinophobia — pagkatakot sa higaan
Driving phobia — pagkatakot sa pagmamaneho
Emetophobia — pagkatakot magsuka
Erythrophobia — pagkatakot sa pamumula (blushing)
Escalophobia — pagkatakot sa escalators
Geliophobia — pagkatakot tumawa
Genuphobia — pagkatakot sa tuhod
Gephyrophobia — pagkatakot sa mga tulay
Kathisophobia — pagkatakot umupo
Lachanophobia — pagkatakot sa gulay
Logophobia — pagkatakot sa pag-aaral magbasa
Nomophobia — pagkatakot mawalan ng mobile phone
Ombronophobia — pagkatakot sa ulan
Ornithophobia — pagkatakot sa ibon
Phobophobia — pagkatakot magkaroon ng phobia
Plutophobia — pagkatakot sa pera
Pogonophobia — pagkatakot sa balbas
Sesquipedalophobia — pagkatakot sa mahahabang salita
Siderophobia — pagkatakot sa mga bituin
Somniphobia — pagkatakot matulog
Xanthophobia — pagkatakot sa kulay dilaw
Ayan, mga beshy, ang tanong, saan kayo napabibilang diyan? Hmmm… for sure, wala kayo sa mga ‘yan dahil ang pinakakinatatakutan ninyo ay ang maiwan. Charot! Hi-hi-hi!




Comments