top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya dapat nagre-research muna tayo, mga tsong! PAG-INOM NG PROTEIN SHAKES, BAD SA HEALTH!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 1 min read

KARAMIHAN sa mga nagwo-work-out ay umiinom ng protein shakes o whey protein dahil nakatutulong ito sa kanila upang magkaroon ng enerhiya. ‘Yun nga lang, alam ba ninyong marami itong side-effects sa kalusugan? Talaga ba?

Ayon sa mga eksperto, ang protein shakes ay maa­aring magdulot ng problema sa kalusugan, lalo na kung ang indibidwal ay nasa high-protein diet.

Gayunman, ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang pag-intake ng protein shake nang tuluy-tuloy ay maaaring magresulta sa pagiging overweight, pagkakaroon ng high blood cholesterol, nakae-elevate ng heart disease at kidney complication.

Dagdag pa rito, ang mga physician committee for responsible medicine ay nagpaalala rin na karamihan sa mga Amerikano ay doble-doble kung mag-intake ng protein na humantong sa pagkakaroon nila ng cancer, osteoporosis at kidney stones.

Samantala, para sa mga taong mayroong lactose intolerance, ang pag-inom ng protein shake ay hindi makabubuti para sa inyo, kaya hangga’t maaga, eh, umiwas na kayo rito at huwag nang matigas ang ulo.

Maliban pa rito, kung ito talaga ang nais ninyong ikonsumo, good news dahil puwede kayong gumawa ng sarili ninyong protein shake kung saan babawasan ninyo ang sugar, cholesterol at saturated fats na taglay nito.

Oh, ayan, mga besh, minsan, kailangan din nating alamin kung nababagay ba ang pagkain para sa estado ng kalusugan natin.

Huwag makisabay sa iba dahil baka sariling kalusugan natin ang mapahamak.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page