top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Huwag ka raw kasing choosy, beshy! BEBOT NA PINAPAYUHANG SUNDIN ANG GUSTO NG MAGULANG NA MAGKAROON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Masaya na ako sa buhay-dalaga, kaya lang, pinag-aasawa na ako ng mga magulang ko. May mga asawa na kasi ang mga kapatid ko at ako na lang ang dalaga sa amin. Madalas din ay inaasar ako sa office dahil may hitsura naman daw ako, pero, bakit ko raw binu­buro ang aking kaganda­han?

  2. May mga manlili­gaw ako kaya lang bu­kod sa wala akong gana sa kanila kapag kasa­ma ko sila, ‘yung iba ay hindi naman talaga seryoso, parang mas masaya pa ako kapag nag-iisa.

  3. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, dahil kapag tiningnan mo ang re­yalidad ng buhay, ma­hirap din talaga ang tumandang da­laga.

  4. Isa pa, parang ma­saya kapag may baby ka na kinakarga o inaala­gaan. Ano sa palagay ninyo, Maestro, maka­pag-aasawa pa kaya ako o mas dapat na ihanda ko na ang aking sarili sa pagiging matandang da­laga kung saan mag-a­ampon o manghihiram na lang ako ng pamang­kin para may mag-alaga sa akin kapag matanda na ako?

KASAGUTAN

  1. Tunay ngang masa­rap magka-baby higit lalo kung ‘yung baby ay ikaw ang may gawa at sa mis­mong sinapupunan mo nanggaling upang mara­nasan mo ‘yung sinasabi nilang “the joy of being a mom”.

  2. Masarap kayang ma­ging ina, ‘yung tipong mag-aalaga, maghehele ng sanggol na kapag mi­na­masdan mo habang siya ay iyong yakap-yakap at natutulog ay masasabi mo sa iyong sarili na sa akin talaga ito nanggaling at kamukhang-kamukha ko talaga siya.

  3. Samantala, sadyang kapansin-pansin ang med­yo napadulo, pero nana­tili pa ring malinaw at ma­tatag na kaisa-isang Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit ayaw mo na, natatakot ka at hindi ka komportable kapag nagka-boyfriend ka at nag-asawa, wala ring ma­ga­gawa ang kahinaan ng iyong loob at pag-aalala dahil tulad ng nasabi na, sa takdang panahong ini­laan ng kapalaran, may la­laking balingkinitan ang pangangatawan at kasing-edad mo ang manliligaw sa iyo at dahil sa panahong ‘yun ay masyado ka na ring “pine-pressure” ng mga nasa paligid mo para mag-asawa, wala kang ma­gagawa, sa maikling pana­hon ng kanyang panlili­gaw, sasagutin mo ang na­sabing lalaki upang minsan pa ay tuluyan na ring ma­buo ang seryoso at mali­gayang pagmamahalan na hahantong sa mabilisan, pero pinaghandaang pag­pa­pakasal.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Abrey, oo nga at kam­pante na ang buhay mo ngayon kahit wala kang boyfriend dahil may stable work ka naman at wala kang gaanong pino­problema sa buhay, pero alalahanin mong hindi nananatiling bata at ma­lakas ang iyong pa­nga­ngatawan. Dara­ting ang panahong ta­tanda ka at kapag med­yo nag­ka­kaedad ka na at may mga sakit ng na­ra­ram­daman, doon mo mai­isip ang katoto­ha­nang mas okay na mag-asawa para may ma­ka­sama ka sa iyong pag­tanda.

  2. Ayon sa iyong mga datos, may masaya at pang­habambuhay na pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran na nakatakdang maganap sa susunod na taong 2021, sa edad mong 34 pataas, sa panahong isinilang na ang panganay ninyong anak at kalung-kalong mo siya sa iyong dibdib, masasabi mong tama si Maestro Honorio Ong, “walang kasing-sarap sa pakiramdam ang dulot na kaligayahan ng pagka­karoon ng anak at ang pagiging ganap na ina”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page