top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Daniel, 'di lang sa movie laglag… KATHRYN, SI ALDEN NA RIN ANG PARTNER SA COMMERCIAL

Writer: BULGAR
BULGAR
May 5, 2019
2 min read

Nitz Miralles / BIDA

PORMAL nang winelcome ng isang brand ng ice cream si Kathryn Ber­nardo as their newest endorser. Si Kath­ryn na ang kasama ni Alden Richards na endorser ng brand ng ice cream at naging isyu pa nga dahil na-renew ang kontrata ni Alden.

Lumabas na rin ang print ad nina Kathryn at Alden na ang photo shoot ay ginawa noong umuwi sandali si Alden from Hong Kong kung saan nagsu-shooting sila ng Hello, Love, Good­bye to grace the grand opening of their family’s McDonald’s branch sa Biñan City, Laguna. Si Kathryn naman ay dumalo sa birthday party ni Daniel Padilla.

Suportado ng mga fans nina Kathryn at Alden ang muli nilang pagsasama to endorse a product. Ayun, bilihan sila nang bilihan ng ice cream.

Ang biruan ng mga fans, gawin nilang top seller ang naturang ice cream gaya ng usapan nilang gawing box office hit ang Hello, Love, Goodbye.

Tapos na ang shooting sa HK at may mga eksena na lang na kukunan si Direk Cathy Garcia-Molina rito. Isasalang sa post-production ang movie at kung totoong sa July ang playdate, ready na itong ma­panood sa mga ii-schedule na block screenings ng mga fans.

Minahal agad ng mga fans ang pangalan ng karakter ni Kathryn na si Joy at ang pangalan ng karakter ni Alden na si Ethan. Gusto nilang ma­panood na ang pelikula ng dalawa para mas makilala pa sina Joy at Ethan at kung ano ang kanilang story.

Speaking of Alden, ilang araw lang siya sa bansa pag­balik from HK dahil lilipad na naman siya for New York para sa May 11 Studio 7 Musi­kalye sa Kings Theater sa Brooklyn. Pamilyar si Alden sa venue dahil minsan nang nag-show ang Eat... Bulaga! ru’n.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page