SUPER SIX CARRY OVER SA RACE 1

PITONG karera ang bibitiwan ngayong gabi kasabay ng Super Six Carry Over sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Sa umpisa ng Winner Take All (WTA), magaganap din ang Super Six Carry Over na P24,626.78 at pinapaboran ang Claudia’s Pride at Gintong Tubig. Ipinapatok ang Electrify laban sa mga kalahok na Sultanov at Always Ready sa Race 2.
Sa race 3 magaganap ang pick 5 na paglalabanan ng 3 Year Old Group (6) at binibigyan ng panalo ang Two Timer, Phenomenal at Viscerion. Ipinapatok din ang Oasis sa Race 4, kasabay ng pick 6, posibleng maglaban sa focecast ang Batang Arrastre at Fantastic Max.
Sa Race 5, nakalalamang ang couple entry na Boni Avenue at San Rafael, laban sa Diamond’s Best, Joem’s Gal at Ilove Jane sa Condition Race (16). Maglalaban sa unahan ang Mandatum at Garantisado sa paghataw ng Condition Race Merge (10) sa Race 6.
Sa Race 7, maglalaban sa unahan ang Good Voyage at Mighty Pride, puwedeng isama ang Moon Fire at Irene’s Dream. Tip ni Mang Ding: Race 1-Claudia’s Pride (13) Gintong Tubig (7) Race 2 Electrify (5) Sultanov (4) Race 3- Two Timer (5) Phenomenal (7) Viscerion (8) Race 4-Oasis (4) Fantastic Max (10) Race 5- Entry No.4 Diamond’s Best (6) Race 6- Mandatum (3) Garantisado (2) Race 7- Good Voyage (9) Mighty Pride (7)





Comments