Most wanted nasakote
- Pabs Hernandez III
- May 4, 2019
- 1 min read
MASBATE—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Laurente, San Pascual sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Michael Rentin, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Rentin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi naman nanlaban si Rentin nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments