Lalaking nakipag-annul para sa babaeng gustong makabalikan
- ROMA AMOR
- May 4, 2019
- 2 min read

Dear Roma,
Galing ako ng ibang bansa. One week pa lang akong nag i-stay dito sa Pilipinas. Gusto kong humingi ng tulong o payo tungkol sa ex ko na nandito rin sa Pilipinas. Kasi naghiwalay kami, ten years ago. Hindi na kami nagkikita o nag-uusap. Umalis ako at pumunta sa ibang bansa nang walang paalam sa kanya kasi nu’ng time na nagkakilala kami, 3 years na ang nakalipas nang maghiwalay kami ng asawa ko. Natakot akong sabihin sa kanya kasi alam kong iiwanan niya ako kapag nalaman niyang kasal na ako. Nagsinungaling ako about my civil status, 6 months kaming naging mag-on tapos pumunta ako sa ibang bansa without saying goodbye, pero ginawa ko lang ‘yun dahil mahal ko siya at ayokong mawala siya. Gusto kong mag-sorry sa ginawa ko. Sumulat ako kasi gulung-gulo na ‘yung isip ko, baka ito ‘yung way para makapag-usap ulit kami. Naayos ko na rin ang annulment papers ko dahil gusto ko talagang magkabalikan kami. — Vince
Vince,
Alam mo, 'tol, kung pumunta ka sa ibang bansa for ten years at ngayon ay bigla kang babalik at susubukang ayusin ang lahat, medyo malabo na para magkaayos ulit kayo sa paraang gusto mo, ‘tol. Isipin mo, umalis ka ng sampung taon, iniwan mo siya nang wala man lang pasabi o paalam, tapos, bigla-bigla sa isang iglap babalik ka at mag-e-expect na magkakaayos kayo?
Alam mo, kung talagang ayaw mo siyang mawala sa buhay mo, bakit ka umalis? Ang sabi mo ayaw mo siyang mawala sa’yo, pero bakit ka gumawa ng paraan para mawala siya sa buhay mo? Anim na buwan kayong naging mag-on na kung tutuusin mahabang panahon na ‘yun para magkaroon ka ng pagkakataong ipagtapat sa kanya ang tunay na estado mo sa buhay.
Tandaan mo,‘tol, na ang pagiging committed ay hindi biro o laro na kung kailan mo lang gustong magparamdam, eh, doon mo lang gagawin. Anyways, good luck sa iyo!





Comments