top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Dahil sa anak ni Bossing Vic… EAT BULAGA!, BAWAL SA PASIG!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
2 min read

SA wakas, nalinaw na rin ng guwapong anak nina Bossing Vic Sotto at Ms. Coney Reyes na si Vico Sotto ang pagkaka-link niya noon kay Maine Mendoza ng Eat… Bulaga!.

Sa panayam kahapon ng ilang press people at vloggers kay Vico na tumatakbong mayor ng Pasig, diretsahan niyang sinabi na hindi siya nanligaw kay Maine. Na-link lang daw sila nu’ng minsang pilit siyang hinila ni Jose Manalo para mapasama sa Juan For All, All For Juan segment ng show na ginanap sa Pasig at parang iminatch siya kay Menggay.

Pero ani Vico, hanggang du’n lang ‘yun at wala naman silang constant communication ni Maine.

Nagkikita lang daw sila ‘pag nadadalaw siya sa EB! dahil nandu’n ang kanyang amang si Bossing Vic.

Pero mula pala nu’ng mag-file ng candidacy si Vico sa pagka-mayor ng Pasig, hindi na raw ina-allow magkaroon ng Juan for All, All for Juan sa kanilang siyudad. Ayaw naman niyang isiping dahil sa pulitika kaya bawal nang mag-show du’n ang mga taga-Eat… Bulaga!, pero hiling niya, sana’y ‘wag namang madamay ang show na ang layunin lang ay maka­pagbigay-saya sa mga taga-Pasig.

Inamin din ni Vico kung bakit mas pinili niyang mag-public service kesa sundan ang yapak ng mga magulang.

Ani Vico, maliit pa siya, mahiyain na siya at ayaw na ayaw talaga niyang mag-showbiz. Napipilitan lang daw siyang mag-appear on TV kapag birthday ni Bossing Vic.

Mas happy daw siya na nakakatulong sa bayan at may nagagawa para sa kanyang kapwa.

First term pa lang ni Vico bilang konsehal sa Pasig, ngayon ay tumatakbo na siyang mayor. Aniya, ang dahilan ng pagtakbo niya ay hindi para matupad ang kanyang ambisyon kundi para magkaroon naman ng option ang mga Pasigueño ng mamumuno sa kanilang siyudad dahil 27 yrs. na raw na nagpa­papalit-palit lang sa posisyon ang mga Eusebio.

Sa una raw, siyempre ay nag-alala at kinabahan sina Vic at Coney sa desisyon niyang kalabanin ang mga Eusebio pero nang maipaliwanag niya ang kan­yang gustong mangyaring pagbabago sa Pasig ay napapayag naman niya ang mga ito at suportado raw ng mga magulang ang kanyang pagtakbo.

Natatawa pang pag-amin ni Vico, siyempre ay mas malaki ang financial help na naibibigay ni Bossing Vic dahil mas mayaman ito. Pero ayaw naman daw niyang gumastos nang todo-todo sa kampanya tapos ay babawiin lang ‘pag nakaupo na siya, kaya kung ano lang ang financial help na nakukuha niya sa mga kaibigan, ‘yun lang ang pinagkakasya niya.

Twenty-nine years old na si Vico pero wala pa sa isip niya ang pag-aasawa dahil naka-focus siya ngayon sa kanyang career bilang public servant.

‘Di naman daw nagmamadaling magkaapo sa kanya si Coney dahil may mga apo na ito sa kan­yang Kuya L.A. Mumar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page