top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Basura sa kuwarto at mga ahas

Writer: BULGAR
BULGAR
May 4, 2019
2 min read

Salaminin natin ngayon ang email ni Madeline ng Madeline_Oliver@facebook.com

Dear Professor,

Pumasok ako sa isang kuwarto at pagpasok ko ay puno ito ng mga basura, kaya nagwalis ako, pero nahihirapan akong linisin ang mga ito kaya lumabas na lang ako.

Paglabas ko, nakita ko ang aking kaibigang lalaki at ‘yung boss niya na babae na nag-uusap, ewan ko kung ano ang pinag-uusapan nila.

Ang sabi ng kaibigan ko, hayaan ko na lang daw ang kalat dahil kusa ‘yung malilinis. Pagpasok ko ulit ay na­wala na ang kalat, pero sa sahig ay may nakita akong dalawang maliit na ahas na gumagapang.

Tapos, sa sahig ay maraming butas na maliliit, bawat butas ay may baby snake, nakita ko ang mga ulo nila na nakalabas sa butas.

Lumabas ako sa kuwartong ‘yun, tapos, pumunta ako sa attic at nakita ko ang pamangkin kong babae na naglilinis du’n at may iba pang tao na nag-uusap kung paano nila huhulihin ‘yung ahas.

Naghihintay,

Madeline

Sa iyo Madeline,

Marami ang nag-aakala na ang ahas ay simbolo ng tukso at dahil ang diyablo ay ang dakilang manunukso, akala rin ng iba na ang ahas at diyablo ay iisa.

Madalas nating sinasabi na ang akala ay naka­mamatay.

Ganyang-ganyan din ang tungkol sa ahas dahil akala nila ay masama ito, kaya pinapatay ng mga tao.

Sa totoo lang, ang akala ay kabaligtaran ng kato­tohanan, ibinabalita ng iyong panaginip na ang mga ahas sa iyong panaginip ay simbolo ng napakaraming suwerteng darating sa buhay mo.

Hindi lang ‘yan ang masuwerteng balita ng mga ahas dahil ayon sa iyong panaginip, aalisin ng suwerte ang mga “basura” sa isip mo tulad ng ang kahirapan ay hindi na mawawala sa buhay mo. ‘Yun nga lang, ang mga pangit mong ugali at gawi ay mamalagi sa iyo, habambuhay.

Hindi mahirap paniwalaan na kapag ang tao ay sinu­werte, ang mga negatibong bagay sa buhay niya ay maglalaho lahat.

Dahil ang positibong puwersa ay napakalakas na sandata na sa sobrang liwanag ay halos hindi na makita.

Ang mga anino ay ang mga negatibo sa buhay ng tao, kaya kapag ang suwerte ay pumasok sa kapalaran ng tao, wala na siyang anino ng hirap, dusa, sakit at lungkot.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page