top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

TWICE WORLD TOUR 2019 TWICELIGHTS sa Manila

Concert
May 3, 2019
1 min read

Isa sa pinakasikat na K-POP group sa buong mundo ang dadating sa bansa upang i-perform ang kanilang mga sikat na kanta. Ito ay ang grupong TWICE na may siyam na miyembro.

Magkakaroon sila ng concert dito sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa Hunyo 29, 2019 para sa kanilang TWICELIGHTS World Tour. Magaganap ang concert sa Mall of Asia at magsisimula naman ito ng 5pm.

Ang grupo ay kinabibilangan nina Jihyo, Dahyun, Chaeyoung, Momo, Sana, Tzuyu, Jeongyeon, Nayeon, at Mina. Taong 2016 nang nakilala sila ng buong mundo sa pamamagitan ng successful debut single nila na 'Cheer Up.' Magmula noon nagtuloy-tuloy na ang kanilang pamamayagpag sa sunod-sunod nilang mga hits tulad ng “Knock Knock,” “Signal,” at “Likey.''

TICKET PRICES

VIP Standing (A/B/C/D) – Php 12,500

VIP Seated – Php 12,500

Lower Box – Php 9,000

Upper Box A – Php 5,000

Upper Box B – Php 4,000

General Admission – Php 2,500

Generic Admission – Php 1,500

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page