Negosyante nilikida ng rider
Pabs Hernandez III
May 3, 2019
1 min read
DAVAO DEL NORTE—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng rider, kamakalawa sa Bgy. Pandapan, Tagum City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Julito Bano, Jr., nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang establisimyento si Bano ay biglang sumulpot ang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.





Comments