Mama Mary na lumitaw sa itlog
- BULGAR

- May 3, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Carmen ng Carmen_Floresca@face- book.com
Dear Professor,
Napanaginipan ko si Mama Mary na lumabas Siya sa itlog.
May pinuntahan kasi akong Simbahan ng Chinese at may ibinigay sa akin na 4 na itlog, ‘yung 3 itlog ay kusang bumuka, tapos, ‘yung pang-apat na itlog nu’ng binasag ko ay biglang lumitaw si Mama Mary.
Naghihintay,
Carmen
Sa iyo Carmen,
Kapag napananaginipan ang mga banal na personalidad, ang nanaginip ay nakararanas ng mga suliraning masasabing hindi niya kayang lutasin nang mag-isa, ‘yung pakiramdam na wala siyang maaasahan sa mga taong nasa paligid niya.
Pero, sabi nga, ganu’n na lang ang pagmamahal ni God sa mga tao, ibig sabihin, hindi masukat, sobrang laki, dakila at walang hangganan.
Ang pagmamahal na hindi masusukat ay ‘yung walang kondisyon. Hindi ito ang love na may kailangan pang sundin o gawin ang tao para lang maranasan niya ang love of God.
Kaya ang hindi masukat na love ni God ay makikita na nakasulat sa Sagradong Aklat na nagsasabing “hindi dahil sa kautusan nailigtas ang tao kundi ang tao ay nailigtas by the grace of God.”
Sa ganitong katotohanan, ang panaginip mo ay nagsasabing kahit sino ka man, kahit ano ka man at kahit ano pa ang iyong pinaniniwalaan, ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magkaroon ng bagong buhay kung saan mawawala ang iyong nakaraan.
Kahit walang anumang kondisyon na inilantad ang langit para sa magagandang kapalaran, inirerekomenda na magsimba at mag-alay ka ng mga panalangin kay Mama Mary na siyang dahilan kung bakit ang mga magagandang kapalaran ay magsisiguhit sa iyong buhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments