'Di raw matahimik dahil sa kanya… PRAMIS NI KRIS: NAME NI MAYOR BISTEK, NEVER KO NA TALAGANG BA


DAHIL na-pick-up ng ABS-CBN ang sagot niya sa netizen na nagtanong about “mayor,” nag-follow-up post si Kris Aquino regarding the matter. This time ay mas mahaba na ang kanyang paliwanag at may ilang detalye pa tungkol sa naging relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Ang tanong ng netizen na sinagot ni Kris ay kung mahal pa niya si “Mayor” without mentioning kung sino. Si Tetay na mismo ang nagbigay ng pangalan na si Mayor Bistek ito which is so Kris naman.
“Isang mayor lang naman ang nag-iwan ng tatak sa puso ko. I never give safe answers. So here goes- Mayor Herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN. Honestly, kung nagkatuluyan, sigurado ako HIWALAY na by now. He is too set in his ways, as I am in mine... And between the 2 of us, sa sobrang excess baggage- the airplane could never have taken off,” ang sagot ni Kris na na-pick-up hindi lang ng ABS-CBN kundi maging ng iba pang entertainment sites at mga diyaryo.
Marahil ay na-guilty si Kris na na-drag na naman niya ang pangalan ng nananahimik na mayor, kaya nag-post siya ulit habang nasa Singapore for her check-up and clarified some matter.
Paliwanag ni Kris, ipina-send niya sa isa sa kanyang staff ang mga questions ng netizens para sagutin so that her followers can still feel her presence kahit wala siya sa bansa.
“Honest, hindi ko naisip that this question & my answer would be picked up. The last thing I want is for Mayor HB, na I’m sure maraming tinatapos in his last couple of months as mayor of QC, na isipin pa ‘Hindi na ba talaga ko tatantanan ng babaeng ito?’
“We don’t communicate. I am not even in a position where I am confident enough to say we are friends. It is a vast credit to him na tinanggap niya ‘yung “paghusga” ng ibang fans ko na ‘pinaasa niya lang ako at hindi niya ‘ko pinanindigan.’
“WE BOTH KNOW kung bakit inayawan niya ‘ko, and again, it is a testament to his being a true gentleman na hinayaan na lang niyang isipin na siya ‘yung nag-urong-sulong when the truth is- kung ako si Bistek, hindi ko na ever kinaibigan pa si Krisy,” pahayag ni Kris.
Dagdag pa niya, si Bistek daw ay “too good” for her.
“Put in the most HONEST way possible, apart from our respective responsibilities to our children, and our clear differences- Herbert Bautista was too good a man for an admittedly still immature, spoiled brat like Kris Aquino in 2017 up to my autoimmune diagnosis in 2018, when I had to face up to all my weaknesses & shortcomings.”
Sinabi rin ni Krissy na si Mayor Bistek daw ang nagbigay sa kanya ng one of her best “dating moments” at ito ay nang mag-date sila sa Starbucks located in Mother Lily Monteverde’s building at tinanong sila sa counter kung hahatiin ba ang bill nila. ‘Yun daw ang first time na na-treat siya as normal individual lalo pa nga’t that time (2014) ay Presidential Sister siya.
“To quote Darla: ‘Sobrang feeling nakaka-tao lang’ and that’s what made it super special,” saad pa ni Kris.
Sa huli ay nangako si Kris na hindi na niya babanggitin ang pangalan ni Mayor Bistek bilang birthday gift niya rito.
“On May 12, 51st birthday ni Mayor HB. So the best GIFT a Kris Aquino can give him, whether good or bad, kahit super-papuri pa- I promise to never mention his name publicly or privately. Nobody deserves the PEACE that no association with me can bring more than a man who had put up with so much, all because nagpaka-GENTLEMAN siya,” pagtatapos ng post ni Kris.
Well, parang gusto naming makipagpustahan kay Kris na hindi na naman niya matutupad ang pangakong ito.





Comments