top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor... MGA BAGAY NA GINAGAWA NG TAO BAGO BAWIAN NG BUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Russel ng Russel_Russel @facebook.com

Sa iyo Russel,

Ang pag-usapan natin ngayon ay kung bakit may pagkakataon na ang mama­matay na ay ayaw kumain kahit na siya ay nagugutom?

Ito ay nangyayari dahil ang taste buds ng tao ay isa sa unang nawawala na ka­dalasan ay nararanasan ng mga taong ang dahilan ng kanilang kamatayan ay ang malfunction ng respiratory system.

Bagama’t, wala na­mang diperensiya ang dila, pero dahil sira ang mga ba­hagi sa paghinga, ang dila ay na­wawalan ng kakaya­han sa panlasa.

Samantala, bakit kaya may mga taong gustung-gusto ang masasarap na pag­kain bago mamatay?

Ang totoo, kahit wala ng panlasa ang tao, puwede pa rin siyang kumain nang ku­main at ito ay nangyayari dahil ang isip, diwa o ka­luluwa niya ang nagsasa­bing kumain siya ng masa­rap na pagkain.

Ito ang dahilan kung bakit ang bibitayin ay ino-offer-an ng masasarap na pagkain. Alam din ng mga doktor na hindi na mag­tatagal ang may sakit, kaya nga ang payo ng mga ito sa mga mahal sa buhay ng may sakit ay ang pakainin na ang may sakit ng masasarap na pag­kain.

May pagkakataong nag­dududa ang mga mahal sa buhay ng may sakit dahil alam ng lahat na ang ma­sasarap na pagkain ay na­kasasama sa tao, pero ‘yun pa rin ang payo ng doktor.

Alam siguro ng doktor na sa langit ay walang beer, lechon at ice cream kaya dahil maiksi na ang buhay ng may sakit, dapat ay ku­main na siya ng masasarap na pagkain.

Kaya kahit na may nag­sasabing ang kamatayan ng tao ay hindi alam kung kai­lan, ang ganitong pananaw minsan ay wala sa lugar o mali dahil tulad ng nasabi na natin sa nagdaan, may mga pagkakataong ang pag­dating ng kamatayan ay nalalaman din naman. Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page