9 suspek sa Sri Lanka blasts, pinangalanan
PINANGALANAN na ng mga awtoridad ng Sri Lanka ang siyam na suspek na nasa likod ng serye ng pag-atake sa Sri Lanka noong Easter Sunday.
Kinumpirma ni Police Spokesman Ruwan Gunasekera na magkapatid mula sa mayamang Colombo family ang nasa likod ng pagbomba sa dalawang luxury hotels.
Gumamit umano ang grupo ng Islamist ng tig-iisang bomba sa bawat lokasyon na kanilang inatake maliban sa Shangri-La Hotel na nagkaroon ng dalawang pagsabog.
Ang nasa likod ng pagbomba sa Shangri-La ay si Zahran Hashim, lider ng Jihadist group na National Thowheeth Jama’ath.
Kasama ni Hashim ang kapwa Islamist na si Ilham Ahmed Mohameed Ibrahim habang ang kapatid nito na si Inshaf ang responsable sa pag-atake sa Cinnamon Grand Hotel; ang Kinsbury Hotel ay binomba ni Mohamed Azzam Mubarak Mohamed; St. Anthony’s Church na binomba ng residenteng si Ahmed Muaz; St. Sebastian na inatake ng isang Mohamed Hasthun at Christian Zion Church na inatake ng residenteng si Mohamed Nasser Mohamed Asad.
Ayon sa pulisya, kukumpiskahin ang mga pag-aaari ng mga nasa likod ng pag-atake upang maiwasan ang terrorist financing.





Comments