top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

85 foreign trips ng gov’t. officials, buking

  • Mylene Alfonso
  • May 3, 2019
  • 1 min read

UMABOT umano sa 85 ang biyahe sa labas ng bansa ng mga opisyal ng Biñan, Laguna, sa nakaraang tatlong taon.

Sa kabila ito ng mahigpit na pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga maluhong biyahe ng mga opisyal ng gobyerno.

Nabisto ang naturang detalye sa 3-pahinang reklamo na ipinadala sa tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, noong Abril 11, na pirmado ng 50 residente mula sa Bgy. Dela Paz, Bgy. San Antonio at Bgy. Tubigan.

Kalakip ng reklamo ang mga dokumentong magpapatunay umano sa paratang laban sa mga opisyal ng Biñan sa pangunguna ni Mayor Arman Dimaguila.

Itinago naman ang pangalan ng mga lumagda para na rin sa kanilang seguridad.

Batay sa mga dokumento, umabot umano sa 15 ang biyahe sa labas ng bansa ni Dimaguila mula Hunyo 22, 2017. Nasa 17, ang umano’y mga biyahe ni Vice-Mayor Angelo Alonte. Pangatlo umano sa pinakamaraming biyahe si Councilor Liza Cardeño sa bilang na 13.

May mga naitala ring biyahe ang ilang konsehal.

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang ‘Memorandum Circular (MC) 35 series of 2017,’ noong Nobyembre 22, 2017, kung saan ipinagbawal ang ‘junket trips’ at mga biyahe na walang pahintulot mula sa mas mataas na awtoridad.

Samantala, noong Marso 15, 2019, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order 77 bilang susog sa MC 35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page